CAMARINES SUR – Isinalang nitong Lunes sa pretrial ang mga suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote para sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives. Guwardiyado nang dumating sa Regional Trial Court (RTC) ng Libmanan, Camarines Sur sina Robertlyn Gumatay at Florencio Suarez. Nakasuot ang 2 suspek ng bulletproof vest. Ayon kay Romeo Pillonar, warden ng Tinangis Penal Farm, mabuti na umano ang nakasisiguro. “Tinututukan ng publiko. Dapat talaga maprotektahan natin sila ng husto… We consider all threats,” aniya. Sa pretrial, tinanggap ng RTC-Libmanan Branch 56 ang isinumiteng mga testimonya ng mga testigo at ebidensiya mula sa prosekusyon at depensa. Gagawin naman ang initial hearing sa Oktubre 11. Target na maipresenta ng prosekusyon ang lahat ng mga testigo bago matapos ang taon. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Leave a Reply