Watch more in iWantv or TFC.tv Kahit na itinuturing nang pangangailangan ang isang bank account, tila “kakaunti” pa lamang ang mayroon nito, ayon sa isang pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa isang survey na isinagawa ng BSP noong 2017, 22.6 porsiyento lamang ng 68 milyong Filipino adult population ang may bank account. Sa nasabing survey, binanggit rin na 48 porsiyento ng adult population ang mayroong tinatabing savings. Kaya lang, karamihan dito ay sa bahay lamang iniimpok ang pera. Opinyon ng iba, wala silang pera para magbukas ng bank account dahil mahal ang mga requirement para mapanatili ito. “Baka kasi…tingin nila wala silang pera para makapagbukas ng account,” paliwanag ni Pia Roman-Tayag, direktor ng Inclusive Finance Advocacy Office ng BSP Isa umano ito sa dahilan kung bakit nagiging dormant or hindi na nagagamit ang isang bank account kapag hindi ito nagagalaw nang matagal. Para matugunan ito, nagbalangkas ang BSP ng mga patakaran para sa “basic deposit account” service na layuning mapadali at maging abot-kaya ang pagbukas ng bank account. Walang maintaining balance, walang dormancy period, at di lalagpas sa P100 ang minimum initial deposit para sa iminumungkahing basic deposit account. Nagpapataw din kasi ng penalty fee ang mga bangko sa mga hindi napapanatili ang maintaining balance. Kapag wala namang ID na maipepresenta, maaaring gumamit ng “liberalized customer onboarding” kung saan puwedeng magpresenta ng kahit anong dokumento o “written information” ang customer bilang katibayan na siya ang gumawa ng transaksiyon. “Kung ‘yung ID ‘yung problema, very liberalized na rin…Kahit isulat… [Read full story]
Leave a Reply